Nakansela ang biyahe ni dating Pangulong Fidel Ramos patungong China.
Batay ito sa website ng Philippine Embassy sa Beijing.
Sinasabing walang opisyal na anunsyo na ginawa ang kampo ng dating pangulo para sana sa naturang biyahe at hindi rin malinaw sa kung sino ang nakatakda nitong makapulong sa China.
Si Ramos ang itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy para palakasin ang relasyon ng Pilipinas at China.
By Ralph Obina