Posibleng matuloy na sa Setyembre ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait.
Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III, kainitan kasi ng Hulyo at Agosto sa Kuwait kaya’t makabubuti sa Pangulo kung Setyembre na ito magtungo sa naturang bansa.
Nakatakdang makipag-usap ang Pangulo sa mga opisyal doon kaugnay sa kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker o OFW.
Matatandaang nagpatupad ng employment ban ang Pangulo dahil sa pag-abuso sa mga Pilipinong manggagawa doon hanggang sa partially ay binawi rin matapos na magkasundo sa isang memorandum of understanding ang dalawang bansa.
—-