Posibleng suspindihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)ang mga biyahe ng mga pampublikong sasakyan na papunta at palabas ng Bicol Region.
Ito’y dahil pa rin sa banta ng Bagyong Paeng sa nasabing lugar.
Sa ulat ng PAGASA, inaasahang magdadala ng matinding pag-ulan at sama ng panahon sa Bicol Region simula biyernes ng gabi hanggang sabado ng umaga.
Patuloy namang binabantayan ng Regional Franchising and Regulatory Office 5 ang operasyon ng mga bumibiyaheng sasakyan sa rehiyon.
Nagpaalala naman ang LTFRB sa publiko na maging updated sa ulat ng bagyo at maghanda sa posibleng pananalasa nito sa bansa.