Naantala kahapon ang biyahe ng LRT line 1 makaraang itigil pansamantala ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang operasyon dahil sa nasirang tren sa Tayuman Station.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation, matapos tumigil ang tren sa northbound track ng Tayuman ay mabilis na naglatag ng speed restriction sa mga biyahe mula Baclaran papuntang Balintawak ang pamunuan ng LRT-1.
Nagsagawa na rin ng technical intervention ang engineering team ng LRT-1 para sa nasirang tren.
Mabilis namang naayos ang problema sa tren at agad na naibalik sa normal na operasyon ang 19 na istasyon kabilang na diyan ang Carriedo, Doroteo Jose, Bambang, at Tayuman.