Tiniyak ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines na normal at magiging ligtas na ang biyahe ng mga pasahero sa paliparan.
Ito’y makaraang tanggalin na ng CAAP ang kanilang abiso sa mga airline companies matapos makumpuni ang Tagaytay radar.
Sa panayam ng DWIZ kay CAAP Spokesman Eric Apolonio nitong weekend, sinabi nito na balik na muli sa apatnapung (40) flights kada oras ang maaaring lumipad sa himpapawid.
Bagama’t maaari pa rin namang makabiyahe ang mga eroplano kahit walang Tagaytay radar, sinabi ni Apolonio na mas malaki ang tulong na naibibigay ng nasabing pasilidad lalo na kung masama ang panahon.
By Jaymark Dagala