Inilunsad na ngayong araw na ito ng Department of Transportation o DOTr ang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018.
Ayon sa DOTr, kabilang sa mga ahensyang nakikiisa sa programa para sa Semana Santa ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine Naional Railways (PNR), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Civil Aeronautics Board (CAB), Manila Internation Airport Authority (MIAA), Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Office for Transportation Security at Commuter Affairs.
Sa nasabing launching na isinagawa sa LTO Main Office, inilatag ng mga ahensya ng gobyerno ang kani-kanilang programa bilang paghahanda sa nalalapit na Semana Santa partikular para bigyang seguridad ang daan-daan libong mamamayan na umuuwi ng mga lalawigan sa ganitong pagkakataon.
—-