Ang biyahe po natin ay sa tinaguriang Queen City of the South—ang lalawigan ng Cebu.
Bukod sa mga historical attractions na matatagpuan sa probinsyang ito, may mga nakakubli ritong yaman ng kalikasan na hindi pa nadidiskubre ng ilan nating mga kababayan.
Sa Barili, Cebu kasi, matatagpuan ang Mantayupan Falls at dinarayo na ito ng mga turista.
Ito ay dahil sa kagandahan nito kung saan mararamdaman n’yo talaga na parang nasa loob kayo ng refrigerator.
Tila mahiwaga raw ang tubig na dumadaloy sa talon na ito dahil sa sobrang lamig.
Siguradong pagkatapos n’yo raw maligo rito ay dadalhin n’yo sa pag-uwi ang ganda at ginhawang hatid nito sa inyong katawan.
Kapag nagutom naman kayo, maraming mga nagtitinda ng ulam na “sinugba” o inihaw at “puso” o ‘yung tinatawag na “hanging rice” ng mga Cebuano.
Kaya, tara na, Biyaheng I.Z. na sa lalawigan ng Cebu!
By Jelbert Perdez | Biyaheng IZ