May biyahe na mula Bicol region patungong Northern Samar.
Ayon kay Achilles Galindes ng Philippine Ports Authority (PPA), maliban sa Matnog Port sa Sorsogon, dumating na rin sa pantalan ng bayan ng Castilla ang MV Lite Ferry 11 ng Lite Shipping Corporation na nakabase sa Cebu.
Nabatid na noong Huwebes pa umarangkada ang mga biyahe ng barko pa-Northern Samar.
Papayagan ang shipping company na magdagdag ng barko, depende sa dagsa ng mga pasahero sa nasabing lugar.