Obligado nang sumalang sa 10-day quarantine sa Netherlands ang mga biyaherong galing Pilipinas simula ika-14 ng Agosto.
Ayon sa Dutch Embassy sa Maynila, lahat ng mga travelers ay dapat magsumite ng negatibong swab test na kinuha kahit 48 oras bago umalis ng bansa o negatibong antigen test sa loob ng 24 oras bago ang arrival nito simula ika-16 ngayong buwan.
Nilinaw na sakop ng mandatory quarantine at testing kahit ang mga biyaherong nabakunahan na kontra COVID-19.