Inaasahan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mas marami pa ang mga pasaherong maghahabol ngayong hapon na makauwi sa kani-kanilang probinsya para salubungin ang Bagong Taon.
Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, ito’y dahil ilan aniya sa mga kababayan ay pumasok pa sa kanilang trabaho ngayong araw.
Sinabi rin niya na maglalaro sa 8,000 hanggang 90,000 biyahero ang dadagsa sa PITX ngayong bisperas ng Bagong Taon.—sa panulat ni Airiam Sancho