Nakatakdang ilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Biyaya ng Pagbabago” poverty alleviation program sa Davao city, sa Disyembre 29.
Ayon kay Undersecretary Joselito “Penpen” Libres ng Office of Participatory Governance, ang “Biyaya ng Pagbabago” ay poverty alleviation program ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.
Layunin ng programa na makamit ang Philippine Development Plan 2017-2022 upang maibaba ang bilang ng mahihirap sa 14 percent mula sa kasalukuyang 21.6 percent.
Sa ilalim din nito ay mas magiging bukas, sapat, epektibo at napapanahon ang serbisyo ng gobyerno sa mga higit na nangangailangan.