Aminado ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagkukulang sa pondo ang kanilang ahensya para sa Persons Deprived of Liberty (PDL) kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kasunod ito ng pahayag ni ACT Teachers Party List Rep. France Castro hinggil sa pagpo-protesta ng mga inmate sa BJMP facility sa Iloilo hinggil sa umano’y kakulangan at hindi magandang kalidad ng pagkain.
Sa naging pagdinig sa House Committee on Appropriations, sinabi ni bjmp Chief Dir. Allan Iral, na P70 lamang ang budget ng kada isang PDL para sa tatlong kainan kada araw, kasama na rito ang gasul na ginagamit sa kanilang pagluluto.
Samantala, ayon kay Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, na tinanggal na sa pwesto ang warden ng BJMP sa Iloilo habang iniimbestigahan na ang naturang isyu. —sa panulat ni Hannah Oledan