Handa na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)- Manila City Jail sa pagboto ng mga Persons Deprive of Liberty (PDL) bukas, Mayo 9.
Ito ay matapos magsagawa ng simulation activity ang nasabing pasilidad partikular ang Male Dormitory para tiyaking magiging maayos ang pagboto ng PDLs.
Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Supt. Xavier Solda, gusto nilang masiguro na walang magiging aberya sa pagpasok at pagboto ng mg PDLs.
Nabatid na aabot sa 33,409 ang bilang ng mga PDLs na registered voter at 2,683 dito ang lalabas para makaboto.