Hinikayat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang publiko na tangkilikin ang mga parol na ginawa ng mga persons deprived of liberty o pdl sa loob ng kulungan.
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Allan Iral, mas makakatulong ang publiko kung sa mga preso bibili ng mga palamuti ngayong kapaskuhan.
Kabilang sa mga ginawa ng mga pdl ay ang mga parol na gawa sa kawayan, mga colored plastic lantern at ibat-ibang uri ng mga pailaw.
Sinabi ni Iral, na ang magiging kita mula sa pagbili ng publiko sa mga produktong gawa ng mga pdl, ang siyang magiging suporta para sa kanilang pamilya.