Ikinalugod ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagkilala ng Department of Education (DepED) sa pagsisikap ng ahensya na suportahan ang national education agenda ng pamahalaan.
Sinabi ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral na magsisilbing inspirasyon nila ang papuri ng DepED upang paigtingin ang pagkakaloob ng basic education sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng Alternative Learning System Program (ALS) sa mga jail facility.
Sa datos, nasa 18, 708 PDL ang benepisyaryo ng ALS program sa BJMP.
Nitong Nobyembre, nasa 2,499 PDL sa elementary, 3,414 sa Junior High School, at 2,395 sa Senior High School ang napagtapos ng “tagapangalaga ko, guro ko” program.