Sugatan ang isang inspector ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos pagbabarilin sa Cebu City kaninang umaga.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang leeg ang biktima na si Edwin Sarcon.
Ayon sa pulisya , naganap ang insidente sa R. Duterte Street , kanto ng V. Rama Avenue sa Barangay Guadalupe dakong alas 7:30 ng umaga
Papunta umano sana si Sarcon sa BJMP Regional Office nang makailang ulit itong barilin nang di pa nakikilang suspek na sakay ng motorsiklo.
Kasalukuyan namang nagpapagaling ngayon si Sarcon sa pagamutan.