Nagbabala ang Bureau of Jail Management and Penology na hindi sila mangingiming sawayin ang mga inmates na uulit sa ginawa nilang noise barrage na nauwi sa karahasan.
Ayon kay Senior Inspector Xavier Solda, Spokesman ng BJMP, sa ngayon ay payapa na ang mga inmates matapos ang isinagawa nilang diyalogo.
Tiniyak ni Solda na hindi yuyukod ang BJMP sa iginigiit ng tinatayang 200 inmates na sibakin ang kanilang warden.
Inirereklamo anya ng mga inmates na drug dependents ang inihandang programa ng BJMP para sa kanila na kailangang sumalang sa counselling, therapy at physical fitness.
Una rito, apat na tauhan ng Manila City Jail ang nasugatan sa noise barrage na nauwi sa kaguluhan, samantalang tinatayang 35 naman sa panig ng mga inmates.
Bahagi ng pahayag ni BJMP Spokesman Xavier Solda
By Len Aguirre | Ratsada Balita