Nagsagawa ng greyhound operation sa Manila City Jail Male Dormitory sa Quezon Blvd., Quiapo, Maynila ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Layunin nito na alisin ang mga kontrabando at mga iligal na droga sa loob ng naturang jail facility para sa ligtas na kapaligiran na angkop para sa mga rehabilitasyon at pagpapaunlad ng PDL.
Pinasok ng mga otoridad ang bawat kubol ng mga inmate, kung saan narekober ang improvised handgun, matatalas na bagay at iba pa.
Sinabi ni JO1 Elmar Jacobe, Public Relation Officer ng BJMP-Manila na katuwang nila sa operasyon ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)