Naka-full alert ang apatnaraan at walumpu’t isang (481) jail facilities ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa darating na Semana Santa.
Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Senior Inspector Xavier Solda, habang ginugunita ang Semana Santa ay mahigpit pa rin nilang binabantayan ang mga bilangguan laban sa anumang banta ng pagtakas ng mga bilanggo at sa iba pang masamang balakin.
Inaasahan na rin ng BJMP ang pagdagsa ng mga dalaw sa mga bilangguan sa susunod na linggo.
Dahil dito, kanselado na ang lahat ng day off at bakasyon ng lahat ng mga jail personnel.
—-