Namigay ang BJMP o Bureau of Jail Management and Penology ng mga condom sa Quezon City Jail makaraang magpositibo ang tatlong inmate ng HIV o Human Immunodeficiency Virus.
Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, nasa pangangalaga pa ng BJMP ang isang HIV positive na inmate habang nakalaya sa bisa ng piyansa ang isa ngunit namatay na ang ikatlo.
Sinabi ni Solda na dahil hindi nila maaaring pilitin ang mga preso na magpasuri, nagpasya na lamang ang BJMP na mamigay ng mga condom.
Bukod sa pamimigay ng condom, sinisikap din, aniya, ng BJMP na ituro at ipaalala sa mga preso ang pagpipigil sa pakikipagtalik at ang pagiging tapat sa kani-kanilang mga asawa o katipan.
By: Avee Devierte