Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay BJMP spokesperson Xavier Solda, nakatalaga sa Quezon City Jail male dormitory bilang Paralegal Officer ang nabanggit na babaeng personnel.
Gayunman naka-work from home status na aniya ito simula pa noong Marso 21.
Sinabi ni Solda, una na ring pinayagan ang pagtatrabaho sa bahay nang nabanggit na kawani habang naka-jail lockdown ang buong BJMP dahil na rin sa pagkakaroon nito ng asthma, hypertension, at diabetes.
Tiniyak naman ni Solda na nabibigyan ng ayuda ang naturang babaeng BJMP personnel habang sumasailalim na rin ito sa strict quarantine.
Nagsasagawa na rin aniya ang BJMP ng contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha ng nabanggit na kawani.