Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penoloy (BJMP) na walang ibinibigay na VIP treatment kay Janet Lim-Napoles sa Camp Bagong Diwa kung saan siya inilipat mula sa Correctional for Women Institution.
Ayon kay Senior Inspector Xavier Solda, spokesman ng BJMP, nasa loob naman ng kampo ng pulisya ang kulungan ni Napoles kaya’t sapat naman ang nakukuha nitong seguridad.
Kumbinsido rin si Solda na hindi na maiilang si Napoles dahil halos isang taon rin naman syang namalagi sa Camp Bagong Diwa bago ito naipadala sa Correctional for Women.
Una rito, si Napoles ay inilipat sa Camp Bagong Diwa matapos itong ipawalang sala ng Court of Appeals (CA) sa kasong serious illegal detention.
Tatlong (3) kaso pa ng plunder ang kinakaharap nito sa Sandiganbayan kaya’t kailangan nyang manatili sa kustodiya ng pulisya.
“Wala na po talaga kaming espasyo sa lahat ng facilities namin, so, she will be colligated with fellow inmates niya and of course there will be adjustments sa security. Yung mga makakasama niya most likely doon halos kakilala niya na rin kasi yun din naman ang mga nakasama niya during her detention sa amin”, bahagi ng pahayag ni Senior Inspector Xavier Solda, spokesman ng BJMP sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)