Ipapadala sa Amerika ang narekober na black box o flight data recorder ng bumagsak na C-130 plane sa Sulu.
Ayon kay AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana, walang kakayahan ang mga awtoridad sa bansa na buksan at tingnan kung ano ang nilalaman ng naturang black box kaya ito ipapadala sa Amerika.
Ani Sobejana, nakipag-ugnayan na sila sa kanilang counterpart sa Amerika at sila naman aniya ay nangakong susuriin agad ang black box sa oras na matanggap nila ito at agad na ipapasa sa AFP anuman ang nilalaman nito.
Inaasahan umano na malaki ang maitutulong ng nilalaman ng black box sa imbestigasyon kung ano ang tunay na sanhi ng pagbagsak ng C-130.