Dinala na sa Singapore ang black box ngsumadsad na eroplano ng Xiamen Air sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Spokesman Eric Apolonio, tumulak na patungong Singapore ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board para ipasuri ang flight dara recorded ng eroplano.
Siniguro naman ng mga opisyal ng Singapore na tatagal lamang ng isang linggo para ma-decode ang naturang data recorder.
Una nang nagpahayag ang Xiamen na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon at bayaran ang kaukulang halaga ng idinulot nilang abala sa paliparan.
—