Nagkasa ng Black Friday protest ng mga empleyado ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kasunod ito ng anila’y hindi natupad na pangakong itataas ang kanilang mga suweldo.
Naka-itim na t-shirt at polo ang mga empleyado ng PAGASA na ipinagdarasal si Budget Secretary Florencio Butch Abad na bigo anila sa pangako at commitment nito sa kanila kaugnay sa SSL o Salary Standardization Law.
Natapos na anila ang sesyon ng Kongreso ay hindi naman naipasa ang nasabing panukala.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)