Ilalarga ng iba’t ibang grupo ang kilos protesta bilang pagtutol sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ang Black Friday protest ay gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng mga grupong tutol sa batas militar.
Sa Maynila, pangungunahan ng grupong Selda at Bagong Alyansang Makabayan ang pagmamartsa mula sa University of Sto. Tomas patungong Mendiola.
Ayon kay Selda Vice Chair Bonifacio Ilagan, nakababahala ang mga pangyayari lalo na sa mga naging biktima ng pag-abuso noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Magkakaroon din ng kasabay ng kilos protesta sa Iloilo, Aklan, Capiz at iba pang lugar.
Magsusuot ang itim na t-shirt ang mga raliyista habang bitbit ang mga placards na nagpapahayag ng pagtutol sa Martial Law.
By Rianne Briones
Black Friday protest laban sa Martial Law ilalarga was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882