Lalarga na ang “Black Friday Protest” ng mga mamamahayag, media group at blogger sa iba’t ibang panig ng bansa bilang pagkundena sa serye ng pag-atake ng gobyerno sa “Press Freedom” o kalayaan sa pagpapahayag.
Ang naturang protesta ay pangungunahan ng National Union of Journalists of the Philippines ang unang serye ng mga aksyon bilang pagtatanggol sa “press freedom” at iba pang karapatan.
Ayon sa N.U.J.P., magsisimula ang demonstrasyon sa Boy Scout Circle sa Timog Avenue, Quezon City, mamayang ala 6:00 ng gabi.
Nag-ugat ang Black Friday Protest sa pagkansela ng Securities and Exchange Commission sa license to operate ng online news outfit na Rappler dahil umano sa paglabag sa batas partikular sa media ownership.