Nagsasagawa ng Black Friday Protest ang iba’t ibang grupo para ipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa extra judicial killings (EJK’s) sa bansa ngayong araw.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakapaslang sa binatilyong si Kian Loyd Delos Santos sa Oplan Galugad ng Caloocan City Philippine National Police (PNP) noong nakaraang linggo.
Pinangunahan ng grupong Stop the Killings Network at iba pang mga militante ang kilos protest kung saan kanilang sasabayan ito ng mataimtim na panalangin at pagsisindi ng kandila.
Nakikiisa rin sa kilos protesta ang mga OFW o Overseas Filipino Worker at iba pang samahan para sa karapatang pantao na kanila namang tinawag na Global Day of Action Against Drug Related Killings.
Ang pagkilos ay isinasagawa sa EARIST o Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology, University of the Philippines (UP) – Manila, University of Sto. Tomas (UST) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Maynila.
Habang gaganapin naman sa Hong Kong, Australia, Canada, USA at Japan ang kilos protesta ng mga OFW.