Aarangkada na ngayong Biyernes ang pagkilos ng mga pensioner at miyembro ng SSS, senior citizens, labor organizations at iba pang grupo na layong ipanawagan na i-override ang veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa SSS pension increase bill.
Kaugnay nito, sinabi ni Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares na magsusuot sila ng black ribbon at magpapakalat ng black banners para igiit ang dagdag pensyon at pagbasura sa veto ng presidente.
Pagkatapos ng nasabing pagkilos, susundan ito ng isa pa sa Huwebes, Enero 28 kung saan mag-oorganisa ng rally sa lahat ng mga SSS regional offices.
Mayroon ding malaking pagtitipon sa Quezon City Circle sa Enero 30, alas-3:00 ng hapon habang sa Pebrero 3, susugod ang mga senior citizen at labor unions sa Kamara, at target na punuin ang gallery para isigaw ang pag-override sa veto.
Bumuo na rin ng Facebook page ang mga senior citizen para mas malawak ang panawagan na mai-override ang veto ng Punong Ehekutibo.
By Meann Tanbio