Naglunsad ng black Monday protest ang Supreme Court employees association kaninang umaga.
Ayon kay Erwin Ocson, ito ay bilang protesta nila sa kawalan ng aksyon ng Supreme Court En Banc upang ipatupad ang executive order number 201 o salary increase ng mga government employee.
Idinagdag pa ni Ocson na bagamat mas mababa sa kanilang hiling na P16,000 na minimum wage ang makukuha sa EO 201 ay dapat pa ring i-release sa kanila ang pera.
Pero sa ikatlong pagkakataon ay tinanggihan umano ng mga mahistrado na aksyunan ang kanilang hiling at isasama na lamang sa susunod na sesyon ng en banc.
Iginiit ni Ocson na dahil sa hindi pag-aksyon ng en banc, nade-delay din ang economic relief ng may 20,000 empleyado.
By Meann Tanbio