Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nasa likod ng mga kumakalat na paninira at pag-atake sa social media laban kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ng Pangulo na wala na siyang panahon para rito bagama’t aminado siyang may ilang mga sumusuporta sa kanya ang kasama sa nasabing propaganda.
Giit ng Pangulo, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang mga mahahalagang usapin ng bayan tulad ng pagsugpo sa iligal na droga, katiwalian at krimen sa bansa.
Magugunitang usap-usapan sa social media ang pagkalat ng tinaguriang “Naga Leaks” na naglalahad ng mga umano’y anomalyang kinasasangkutan ng bise presidente gayundin ng yumaong asawa nito na si dating DILG Secretary Jesse Robredo.
“Hindi ko talaga trabaho yan even when I was a Mayor, not really used black propaganda, yan ang mga kalaban nila or maybe some supporters of mine, walang sakitan ng loob, pero ako I’m beyond pain politically wala na akong ambisyon pa, ang akin ay trabaho lang.” Pahayag ni Pangulong Duterte
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)