Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng umano’y black sand mining sa Zambales.
Ito’y makaraang mapaulat na ginagamit umano ng China sa reclamation ng Scarborough o Panatag Shoal ang mga buhanging nakukuha mula mismo sa lalawigan.
Ayon sa Pangulo, sakaling mapatunayan, malinaw na paglapastangan ito hindi lamang sa kalikasan kundi sa bawat isang Pilipino na tila ginigisa aniya sa sariling mantika.
Kasunod nito binantaan ng Pangulo ang lahat ng mga kumpanya ng minahan sa bansa na isasara kung hindi susunod sa batas.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)