Nagsagawa ng ‘Black Wednesday Protest’ ang mga taxi operators at drivers sa buong bansa.
Dito sa Metro Manila, nilusob ng mga driver ang tanggapan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, upang iparating ang kanilang pagtutol sa desisyon nitong gawing permanente ang P30 pesos na flag down rate.
Iginiit ng mga driver na dahil sa rollback sa flag down rate, umaabot sa hindi bababa sa P1,000, ang mawawala sa kanilang kita.
Kaugnay nito ay ipinanawagan din ng grupo ang pagbibitiw ni LTFRB Chairman Winston Ginez.
By Katrina Valle