Magsasagawa ang Department of Migrant Workers (DMW) ng whitelist at blacklist sa mga recruitment agencies kasunod ng pagbubukas ng deployment sa Saudi Arabia.
Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, ang mga kabilang lamang sa whitelisted agencies ang papayagang mag-recruit ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Magugunitang ipinatupad ang deployment ban sa mga household service workers sa Saudi Arabia dulot ng hindi nabayarang sahod ng mga OFW.
Samantala, ipinangako ni Saudi Arabia Crown Prince President Mohammed Bin Salman Al Saud na maglalaan ito ng higit dalawang bilyong riyal para sa higit 10,000 OFW. —sa panulat ni Jenn Patrolla