Nasira ang battery ng generator sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kung kaya’t nauwi ito sa 5 oras na blackout noong Sabado.
Ito ang inihayag ni Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado.
Sinabi rin ni Honrado na wala silang plano na panagutan ang mga ginastos ng pasahero na naantala tulad ng booking fee sa hotel na kanilang tinuluyan, meal allowance at iba pa.
Iginiit ni Honrado na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya at nakikipag-ugnayan na rin sila sa Civil Aeronautics Board o CAB kung ano ang maaaring maibigay na tulong sa mga naapektuhang pasahero.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)