Gumawa ng kasaysayan ang South Korean Girl Group na Blackpink matapos itong itanghal na 2022 Entertainer of the Year ng TIME Magazine.
Ang Blackpink ang kauna-unahang girl group at ikalawang K-POP artist na nakatanggap ng nasabing award.
Ayon sa TIME, pinatunayan ng Blackpink na karapa-dapat sila sa nasabing title dahil tagumpay na nakamit nila ngayong taon.
Ang Blackpink ang nagpasikat ng mga kantang “How You Like That,” “Shut Down,” at “Pink Venom.”
Nakatakdang mag-concert ang South Korean Girl Group sa Pilipinas sa March 25 at 26, 2023 para sa kanilang “Born Pink” World Tour.