Hindi uubra na bigyan ng ating gobyerno ng blanket o absolute immunity ang mga manufacturer ng bakuna.
Ito ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ay dahil labag ito sa batas at public policy.
Kaugnay nito, sinuportahan ni drilon ang sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na hindi papayag ang ating pamahalaan sa hirit na full immunity ng ilang vaccine manufacturer dahil paano kung magkaroon ng malpractices at willful misconduct o sadyang pagkakamali.
Paliwanag ni drilon sa ipinasa nila na COVID-19 Vaccination Program Act , may immunity from suit ang manufacturers ng bakuna sakaling may magreklamo sa administration o pangangasiwa ng bakuna .
Ating pamahalaan ang aako ng responsibilidad dito.
Pero maari silang ireklamo at kasuhan sakaling may sadyang pagkakamali at kapabayaan sa ginawang bakuna.
Ayon kay Drilon na dating justice at executive secretary, sinumang indibidwal na nabakunahan ay maaaring humingi ng danyos sa vaccine manufacturer sakaling nagkaroon ito ng sadyang pagkakamali o’ willful misconduct at gross negligence o kapabayaan.
Bahagi anya ito ng individual at private rights ng publiko bagay na di maaaring isa isangtabi ng gobyerno
Ang indemnity fund na nasa batas ayon kay Drilon ay gagamiting pambayad danyos sa sinumang babakunahan namagkakaroon ng malubhang side effect tulad ng mako-confine sa ospital o masasawi matapos bakunahan. . —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)