Pormal nang gagawing santo ng Simbahang Katolika si Blessed Pope Paul VI kasama ang limang iba pa sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa Vatican, isasabay ang canonization kina Pope Paul VI, Blessed Oscar Romero at iba pa sa 2018 synod of bishops mula Oktubre 23 hanggang 28.
Tatalakayin sa naturang synod ang mga paksa hinggil sa kabataan, pananampalataya at bokasyon kasabay ng pagdiriwang ng year of the clergy and consecrated persons ngayong taon.
Magugunitang itinaguyod ni Paul VI ang paninindigan sa buhay gayundin ang pagkontra sa contraception at sa iba pang uri ng birth control.
Si Blessed Pope Paul VI ang kauna-unahang Santo Papa na nakabisita sa Pilipinas at nakapagmisa sa makasaysayang Manila Cathedral sa Intramuros noong Nobyembre 29 taong 1970.