Matagumpay na isinagawa ang blessing ng eternal memorial chapel and funeral sa eternal gardens sa Santa Rosa Laguna.
Ito ang kauna-unahang chapel at funeral services sa Eternal Gardens.
Pinangunahan ang event nina Mr. Dominic Edgard A. Cabangon, ang Chairman at CEO ng Eternal Gardens Memorial Park Corp., kasama rin ang kanyang kapatid na si Ms. Antoinette Cabangon-Jacinto, ang Vice Chairman and COO ng Eternal Gardens.
Kasama rin ang Andal family ng Batangas, ang may-ari ng Eternal Chapel at Funeral sa pangunguna nina dating Alitagtag Batangas Mayor Bayani andal, current Mayor Anthony Francis Andal at kanilang pamilya.
VIP naman sina Sta. Rosa Laguna Mayor Danilo Ramon Fernandez at Vice Mayor Arnold Arcillas.
Alas-10:00 ng umaga nang simulan ang programa sa pamamagitan ng misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Jose Segudo.
Sinundan ito ng lighting of candles, ribbon cutting at ang blessing sa chapel at pagkatapos ay ang photo op sa mga VIP at opisyal.
Sinundan ito ng talumpati nina Vice Mayor Arcillas, Mayor Fernandez.
Nagsalita rin si Bossing Edgard kung saan pinasalamatan niya ang Andal family sa pagtitiwalag ibinigay sa kumpaniya lalo’t ito ang unang chapel at funeral services sa Eternal Gardens.
Tinanggap naman ang pasasalamat na ito ni Mayor Anthony Andal at nagbigay rin ng pasasalamat sa Cabangon family dahil sa suportang ibinigay.
Umaasa naman ang dalawang pamilya na magiging matibay pa ang kanilang pagsasasama sa mga susunod na partnership.
By Allan Francisco (Patrol 25)
Photos Here: