Nagpalipad ng mga puting lobo na may malaking itim na banner ang mga kritiko ng administrasyong Duterte tatlong araw bago ang paggunita sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ito’y para papanagutin si Pangulong Rodrigo Duterte sa anila’y panakaw na paghihimlay sa labi ni yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Nakasaad sa kulay itim na banner ang mga katagang “hukayin”, harangin ang diktadurya at baguhin ang sistema sa harap ng People Power Monument sa panulukan ng EDSA at White Plains Avenue bilang pagtutol sa mga ipinatutupad na reporma ng administrasyon.
Nanawagan din ang grupong Block Marcos na magkaisa para kundenahin ang libu-libong kaso ng extra-judicial killings sa isasagawang kilos protesta laban sa gobyerno sa araw ng Sabado, Pebrero 25.
By Jaymark Dagala