Nakatakdang sampahan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ng kasong cyber libel ang blogger na si Edward Angelo Dayao alyas Cocoy Dayao.
Kaugnay ito ng mapanirang blog ni Dayao gamit ang Silent No More PH account laban sa pitong Senador na hindi umano lumagda sa resolusyon laban sa extra judicial killing kung saan tinawag pa nitong rapist si Sotto.
Ayon kay Sotto, batay sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI, lumitaw na si Dayao ang pangunahing nasa likod ng nasabing mapanirang blog kaya ito ang kanyang unang irereklamo ng cyber libel.
Dagdag ni Sotto, bagama’t nakalabas na ng bansa si Dayao ay maaari pa ring ipakansela ang pasaporte nito para mapilitang umuwi na ng Pilipinas.