Nakatakdang sirain ngayong linggo ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA ang 39 cocaine blocks na nagkakahalaga ng 215 million pesos na narekober sa dalampasigan ng bayan ng Caraga, Davao Oriental.
Ayon kay PDEA-11 Director Antonio Rivera, hinihintay na lamang nila ang “go signal” mula kay PDEA Director General Aaron Aquino kung kailan ang eksaktong petsa ng pagsira sa mga narekober na illegal drugs.
Una nang inihayag ni Aquino na nagmula sa Medellin Drug Cartel ng CColombia ang bloke-blokeng cocaine na narekober sa magkakahiwalay na lugar sa eastern seaboard ng bansa.
Samantala, naniniwala naman si Philippine National Police Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na Australia ang destinasyon ng mga nasabing droga.