Pinaigting pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang blood donation campaign nito lalo ngayong patuloy ang pagtaas ng dengue cases sa bansa.
Ayon sa PRC, maraming kaso ng dengue ang nangangailangan ng blood transfusion kaya mataas ang demand nito sa kasalukuyan.
Para naman matiyak na nananatiling sapat ang suplay ng dugo ay patuloy na tumatanggap ang PRC ng walk-in blood donors sa mahigit 100 facilities sa buong bansa.
Pinalawak rin ng red cross ang pakikipag-ugnayan nito sa iba’t ibang public at private companies para sa pagsasagawa ng Mobile Blood Donation (MBD).