Aprubado na ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng blood plasma mula sa mga gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) bilang gamot sa sakit.
Ayon sa U.S. FDA, napatunayan na nakakaiwas sa kamatayan at gumaganda ang kalagayan ng mga pasyenteng nabigyan ng blood plasma sa unang tatlong araw matapos ma ospital dahil sa COVID-19.
Nakita umano ng ahensya na ligtas at epektibo ang blood plasma mula sa 20,000 pasyente na ginamot ng blood plasma.