Nagdulot ng takot sa mga residente ng Zhoushan City malapit sa Shanghai, China, ang biglaang pagpalit sa kulay dugo ng ulap o tinatawag na ‘’blood red skies’’ sa kanilang lugar.
Nangyari ito nito lamang gabi ng linggo kung saan, maraming residente ang nagpanicked at nagulat sa pangyayari dahil posibleng senyales ito na magkakaroon ng apocalypse o ang pagpapakita ng isang supernatural na nilalang maging ng hinaharap sa pamamagitan ng isang tao.
Ayon sa Meteorological Bureau, ang nasabing phenomenon ay nangyayari lamang sa tuwing maayos ang lagay ng panahon.
Mas madami kasi ang presensya ng tubig sa atmosphere na nag re-resulta sa formation ng aerosols o liquid droplets ng hangin o gas katulad na lamang ng fog o mist, dust o alikabok, forest exudate, at geyser steam.
Bukod pa dito, nagkakaroon rin ng “refraction” at “scattering” ng mga ilaw na nagmumula sa mga barkong pandagat dahil nangyari umano ang insidente malapit sa port na posibleng dahilan ng pag kulay pula ng mga ulap sa lugar.