Masisilayan na muli ng publiko ang blood relic ni Saint Pope John Paul II na nasa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.
Mula ngayong araw, Mayo 18 at kaarawan mismo ng yumaong Santo Papa hanggang sa Mayo 20, “Pentecost Sunday”, maaaring magdasal ang mga mananampalataya malapit sa nasabing “relic”.
Ang naturang blood relic ay iniregalo ni Cardinal Stanislaw Dziwisz, dating sekretarya ni Saint Pope John Paul II para sa ika-60 anibersaryo nang muling pagkakatayo ng Manila Cathedral matapos ang post-war.
Una nang pinasinayaan ang blood relic at ipinakita sa publiko noong Abril 7 kung saan dinagsa ito ng libu-libong mga mananampalataya.
—-