Simula sa Miyerkules Santo, itataas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa blue alert ang kanilang kahandaan para sa Semana Santa.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, ito ay para masigurong makakatugon ang mga ahensya ng pamahalaan sa mga emergency situation na posibleng mangyari.
Pangunahing tututukan at babantayan ng mga ahensya ng pamahalaan ay ang mga lugar na dinarayo tuwing Semana Santa gaya ng mga simbahan, pasyalan maging ang mga bundok na karaniwang inaakyat ng mga deboto.
By Ralph Obina