May hawak umanong ‘blue book’ si Albuera Police Chief Inspector Jovie Espenido na magpapatunay na nakinabang sa illegal drug trade si Senator Leila de Lima.
Ito ang isiniwalat sa DWIZ ni Espenido matapos kasuhan sa Ombudsman si De Lima bunsod ng sinasabing pagtanggap ng senadora ng 8 milyong pisong drug money.
Ayon kay Espenido, nahukay sa likod ng tahanan ni Kerwin Espinosa ang ‘blue book’ na naglalaman ng mga pangalan ng mga personalidad na tumanggap ng pera mula sa iligal na droga.
Sinasabing idinaan ang nasabing halaga ng pera sa dating driver ni de lima na si Ronnie Dayan.
Nakipagkita rin umano kay De Lima ang kapatid ni Kerwin na si Roland Kevin Espinosa sa Dampa Restaurant noong Marso para sabihin na tutulong ito sa pagsabak ng dating Justice Secretary sa 2016 senatorial elections.
Bahagi ng pahayag ni Albuera Police Chief Inspector Jovie Espenido
By Jelbert Perdez | Karambola