Maituturing palang na hearsay ang pagkakaroon umano ng blue book ni Kerwin Espinosa.
Sinabi ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, ito ay dahil hindi pa ito direktang inaamin ni Espinosa at tanging ang hepe ng pulisya lang ng Albuera, Leyte ang nagsiwalat nito.
Una nang sinabi ni Albuera Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido na mayroong blue book si Espinosa kung saan nakasulat ang mga opisyal na tumatanggap ng payola.
Bahagi ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)