Muling nag-isyu ng subpoena ang Senate Blue Ribbon Committee laban kay dating Customs Chief Nicanor Faeldon.
Ito ay para dumalo sa itinakdang Senate hearing hinggil sa mga katiwalian sa Customs sa January 29.
Gayunman sinabi ni Atty. Jose Diño, abogado ni Faeldon na posibleng hindi tumugon sa naturang subpoena ang kanyang kliyente na aniya’y naninindigan sa karapatan nito sa kaniyang personal na dignidad at hindi na papayag na batuhin ng mga basurang alegasyon.
Ayon pa kay Diño batay sa nakuha niyang impormasyon, walang resource persons ang Blue Ribbon Committee na magpapatunay sa mga alegasyon laban kay Faeldon na nakakulong sa Senado dahil sa pagiging inosente.
Magugunitang si Faeldon ay nakapanumpa na bilang bagong Deputy Administrator for Operations ng Office of Civil Defense.
—-